Saturday, June 25, 2011

kay tagal mo nang nawala, bumalik ka pa...

sa wakas!!!!


medyo matagal na panahon din akong nanahimik dahil sa sobrang pagka-abala (katamaran).  at sa tinagal-tagal kong pilit na inaalala ang user name at password ko masasabi ko na masayang masaya ako at napasok ko ulit ang blog ko.


na medyo banas din.  banas kasi halos dalawang oras ko inaalala ang user name at password ko.  at banas dahil sa huli kong post eh sinabi ko na magiging maganda ang taong ito para sa akin.  hindi naman sa umaangal ako pero medyo komedyante kasi talaga ang tadhana.  unang yugto pa lang ng taon eh medyo sakuna na ang nangyari sa buhay ko.  huwag na nating uriratin ang mga bagay bagay.  antayin na lang natin sa sinetch itetch ang scoop.  or baka nga na-announce na sa mga social sites at mga pangyayari.  ayos naman na ako... ok sige binabawi ko.  sasabihin ko na lang na natututo na akong tanggapin ngayon ang mga nagdaan.  inuuto ko na lang ang sarili ko ngayon na hindi mangyayari ang mga iyon kung hindi naka-disenyo para akin.  

namiss ko ang magkwento habang abala naman ako sa pagbasa ng nga kwento nyo.  bilib na bilib ako sa inyo  dahil ni minsan eh hindi kayo tinamad.  sa pagkakataong ito eh sana ako rin.   hindi na rin sana  ako tamarin.  ituloy natin ang paglalakbay sa buhay na punong-puno ng kulay (lucky me?) kahit batbat ito ng pighati.  pasasaan ba at matututo rin tayong ngumiti sa kabila ng bawat kabiguan na mararanasan pa natin. ituloy natin ang huntahan ng ating mga karanasan.

game, ano tsismis natin ngayon?