Thursday, December 16, 2010

don't worry, i'm flattened...

imitation is the sincerest form of flattery.

hindi ako ang nagsabi nyan, masyadong malalim ang katagang yan para maisip ko.  naalala ko lang siya nung naglilinis ako ng mga folder at files sa laptop ko minsan...

...at nang mabasa ko ulit yung isang section sa bagong (na medyo luma na rin) edisyon ng isang kilalang newsletter.

nasabi ko na minsan sa isa sa mga sulat ko dito na hindi ito ang una kong espasyo sa blogspot.  nagsulat din ako sa isa pang blogspot na pinasimulan ni kantotandangsora pero hindi na namin naituloy.  medyo nagkatamaran na kasi din nun, at hinde namin masyadong sineryoso.

nagsulat ako ng tsismis nun, kung anu ano lang.  nagbibigay kami ng clue kung sino yung mga tao at happenings na involved at bahala na manghula ang readers kung sino tinutukoy namin.  kaya ang title namin nun eh sinetch itetch. hit na hit ang gossip column naming yun na nagsimulang hobby lang at nilalagay namin sa bulletin board nung dati kong mga ka-team.  tuwang-tuwa ang mga nagbabasa sa narrative namin at kung papaano namin ikwento ang istorya gamit ang wikang fagalog (wikang vaklita).  nagawa naming itago ang tunay na pangyayari at mga nga taong sangkot pero meron pa rin kaming iniwang mga bakas para mapilit mag-imagine at mag-speculate ang readers.  tsismis na tsismis talaga ang dating!

kaya laking gulat namin ng makita namin sa isang kilalang newsletter ang kopya ng aming obra.  hindi actually istorya namin pero kopyang-kopya ang  narrative style pati ang gamit ng wikang fagalog.  at syempre tinodo na, ginamit na rin ang pangalan ng column namin.  marami sa nakabasa ang lumapit sa amin, binati kami dahil lumabas nga ang gawa namin sa newsletter.  pati sila ay nagulat dahil sinabi naming hindi kami miyembro, hindi rin kami contributor at hindi rin kami ang gumawa nung article.  at marami nga ang nakisimpatya sa amin.


kami naman eh gulat din. medyo napailing. hindi naman kasi big deal sa amin yung originality eklat kaya lang eh tama nga yung iba naming readers.  para kaming nanakawan. pero sa isip namin ok na yun, ibig sabihin eh nagustuhan ng marami yung storya namin, nagustuhan nila yung kalokohan namin, kaya nila ginaya.  flattered na kami na ginaya yung gawa namin.  alam naman ng marami kung sino ang original na writers.  kaya hindi na rin namin pina-man hunt yung editor at kung sinumang kamote ang sumulat nung imitation.


at ngayon nga lumabas na yung bago (na medyong luma) edition nung newsletter at andun pa rin yung supposedly eh gossip corner.  tiningnan ko yung istorya; bland na, wala nang wit at wala nang dating sa tingin ko.  at imbes na magpakwela eh tumira pa ng ibang tao.  at sinasabi nga nung ibang readers na ibigay na lang sa amin yung pagsusulat.


hindi na rin siguro.  sa ibang lugar ko na lang siguro isusulat mga tsismis namin...



















4 comments:

  1. nothing beats the original creator.. wala sa kalingkingan ung new entry at masyadong direct to the point, to the point na walang nang pag-iisip at alams na ang tsimax..

    duda ko si tim yap ang nagsulat nun.. :P

    ReplyDelete
  2. kung ako yan! magdedemanda ako ng copyright infringement!

    di man lang nagpaalam sa original!

    ikaw yung ABS-CBN tapos sila si Willie Revillame!

    ReplyDelete
  3. panalo pa rin basta original.. :)
    gayahin mo kaya ung newsletter na yun para quits.. lol..

    pero ang bottomline.. you're FLATTENED.. :)

    ReplyDelete